Nanay ko sa Gasang

nanay ni virgil

nanay ni virgil


kuya ni virgil, si nanay at si virgil

kuya ni virgil, si nanay at si virgil


alvin, adel and me with virgil, nanay, ate, and tatay

alvin, adel and me with virgil, nanay, ate, and tatay

I’m sorry but this post will be written in Filipino.

Ang nanay ko sa Gasang ay ang nanay ng divemaster/boatman natin na si Virgil.

Tignan niyo mga picture ni Nanay sa taas. Ang konti no? Mahiyain siya eh. Ayaw magpa-picture. Sabi niya, matanda na daw siya at kulubot na ang mukha. Sabi ko, ngumiti ka lang nay, para makikita namin sa picture naka ngiti ka.

Wala na si Nanay.

Hindi naman niya kami inampon, nagpa-ampon kami. Basta lang, pagkakilala namin sa kanila nila Tatay at Ate – Nanay na namin siya. Ginagawa niya kami ng achara. Pinapakain niya kami ng maraming kanin. Pinagsabihan niya kami nung isang beses dahil hindi namin naubos yung sinaing niya na isang kalderong kanin. Dinalhan namin siya ng maliit na puno ng duhat para itanim sa bahay nila sa bundok. Tuwang tuwa siya. Meron palang ganung tao na sobrang saya sa maliit na puno na paghihirapan niya pang palakihin. Hindi na niya maabutan pagtanda ng mga punong duhat na yun.

Pag nakakausap ko si Nanay, ang binabanggit niya lagi sakin, hanapan ko daw ng mabait na asawa si Virgil. Nagaalala siya na walang magaalaga kay Virgil pag wala na siya. Papano ba ‘to, wala pa kong nahanap na asawa para kay Virgil pero wala na si Nanay. Lagot.

Sinabi din ni Nanay na wag daw kami magkakasira ni Alvin. Sila daw kasi ni Tatay tumagal ang pagsasama kasi parating may nagbibigay. Sinabi din niya na hindi din daw kasi nagsasalita si Tatay kaya pag nagalit siya, siya lang daw nag-uusap at tahimik lang si Tatay. Sabi ko, Nay pag hindi nagsasalita si Alvin lalo akong naiinis. Natawa siya at sabi sakin, gusto mo pala ng inaaway ka?

Dapat babalik kami ni Alvin dun sa bahay ni Nanay sa bundok kaya lang nag board exam ako, tapos nagtrabaho, nagka-problema, nagka-sakit. Ano pang babalikan ko ngayon?

Pero nagpapasalamat ako. Matagal din nahirapan si Nanay sa sakit niya. Kaya lang nalulungkot ako kasi wala na siya. Isang makasariling pagkalungkot na tinutulak ng pangungulila sa kwento niya at sa paghawak niya sa balikat ko. Papagalitan niya ko pag nakita niya kong malungkot. Kung san siya ngayon, makikita na niya lagi kung puyat ako o pagod. Sorry na Nay, kelangan talaga kumayod eh.

Ba-bye Nay.

Ililibing daw si Nanay sa darating na Linggo. Pagdasal natin ang mga naiwan niya, lalo na ang pamilya nila Virgil. Kung gusto niyo magbigay ng tulong pakisabi lang kay Dave Santos.

Advertisements

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s